Skip to content

Mga Awit 23

1 Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang;
2 pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan,
    at inaakay niya sa tahimik na batisan.
3 Pinapanumbalik ang aking kalakasan,
at pinapatnubayan niya sa tamang daan,
    upang aking parangalan ang kanyang pangalan.
4 Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan,
    wala akong katatakutan, pagkat ika’y aking kaagapay.
Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

5 Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo,
    na nakikita pa nitong mga kalaban ko;
sa aking ulo langis ay ibinubuhos,
    sa aking saro, pagpapala’y lubus-lubos.
6 Kabutiha’t pag-ibig mo sa aki’y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako’y nabubuhay;
    at magpakailanma’y sa bahay ni Yahweh mananahan.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *